ANG RELASYONG PANGARAP KO |
Nakaka panibago, Ang dating halos langgamin na samahan ngayun ay halos isuka mo sa subrang pait. Tama nga lahat ay nagbabago kahit ang chokolateng matamis ay may expiration din, pero bakit mo hihintayin ma expired ang chokolate? kung pwede mo naman itong kainin bago pa man maexpired?, Tama naman diba, commonsense naman jan, minsan kasi nasa atin na ang pagkakamali pero hindi natin matanggap na nagkamali o may pag kukulang tayo, yung bang tinatawag nga na commonsense na lang ang pairalin at wag kang tatanga tanga., Halimbawa pag sweet sayo ang isang tao, maririnig mo sa iba o sa barkada mo na, "sa una lang yan sweet, mag babago din yan". Yan ang mang yayari at talagang mag babago yan sayo kung di mo alam kung panu mag appreciate ng mga bagay na nasa paligid mo, at ang tawag sa mga taong ganyan, (manhid, selfish, halaman,isip bata), Kasi sila yung walang iniisip kundi sarili nila., Kasi pano mo ma appreciate ang isang tao kung sarili mo lang iniisip mo? Sa isang relasyon kung sarili mo lang iniisip mo hindi matatawag na relasyon yun, kasi ang relasyon binubuo ng dalawang tao o bagay na pinahahalagahan ang isat-isa. Kaya kung di mo siya pinahahalagahan at yung gusto mo lang yung gusto mong masunod, darating ang araw na iiwan ka at mag hahanap siya ng marunong mag appreciate ng mga bagay na ginagawa nya, at wala yung pinagkaiba sa chokolate, na nasayo na naexpired pa, kaya hindi mo na pwedeng kainin, kasi di mo napansin na may expiration din ang pag hintay nya na ma appreciate mo ang mga ginagawa nya para sayo., kaya kung nag effort man siya sayo maliit man yan o malaki lagi tayong handang mag appreciate. ^_^
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento